DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision) - Chapter 20 - Page 3 (2024)

 

"Nay! Pumapayat ka! Kumakain ka pa ba?" tanong ng dalaga habang nakakunot ang noo. Pinahiga kaagad siya ni Lei at hinaplos ang mukha niya. Biglang nanginig ang katawan ng nanay niya at nagsimulang humikbi.

Napatalikod ng dalaga habang nakaupo sa sahig. Pigil ng iyak niyang tumingin sa mga kapatid na ngayon ay namumula ang mga mata.

"N-Nay, 'wag ka nang umiyak. Gagawan ko ng paraan 'yan. Magiging maayos din ang lahat," sambit niya at tumingala para hindi mahulog ang namumuo niyang mga luha.

"A-Anak, pasensya na. Hindi man lang nakatulong ang nanay sa'yo," nauutal nitong sambit sa gitna ng kaniyang paghikbi.

Umiling ang dalaga at pinunasan ang lumandas na luha sa mga mata niya, "Hindi, nay. Kailangan niyo lang magpalakas. Magpataba ka. Kumain ka ng madami," ani Lei. Namayat kasi ang nanay niya. Hindi kagaya noon na sumusubok pa itong maglakat at mag-ehersisyo.

Umiling ang matanda sa kaniya na parang hindi na niya kaya, "Hindi na, anak. Nagiging perwisyo na ako dito sa bahay..."

Tumayo si Lei at humarap sa kaniya. Nakakunot ang noo, nakataas ang dalawang kilay, "Sinong nagsabi sa'yo niyan?! Hindi ka perwisyo! Gusto ko lang na mabuhay ka ng matagal!" sigaw ng dalaga. Tumulo ang luha niya na kanina pa pilit na itago. Nagsimulang sumakit ang puso niya ng talikuran siya ng ina habang umiiyak.

"Hindi ko kayang mabuhay na nakikita kayong nahihirapan!" pilit na sigaw nito. Lumandas ang mga luha ng matanda dahil sa hinagpis na inabot ng buhay ng anak niya.

Napameywang si Lei at hindi makapaniwalang tiniim ng bagang niya, "Nay, naman! Mas mahihirapan kami kung wala ka! Ako!" humikbi siya at tinakpan ang bibig gamit ang damit niya, "Nay, ikaw ang lakas ko," bulong niya. Nagsiunahang dumaloy ang mga luha niya. Hindi na siya makakita ng maayos dahil sa mga luha nito.

"Hindi, anak. Ang mga kapatid mo, dapat mo silang ingatan..." Aniya na parang wala ng lakas.

Nasipa si Lei sa hangin habang umiiyak. Gusto niyang manuntok at ibaling ang galit sa kung sino. Sa huli ay napadesisyonan niyang pumasok sa kwarto at magkulong.

Huminto siya kakaiyak at biglang napaisip kung sino kaya ang nanakawan niya? Sobrang yaman ba? Kung gayon ay kailangan niya itong makuha para wala na silang po-problemahin. Hahanap siya ng desinting trabaho para sa pamilya niya. Gusto niya ng mapayapang buhay kasama si Phoenix.

Nakatulugan ng dalaga ang pag-iisip, hindi na niya napansin ang pagtakbo ng oras.

Nagising siya ng hating-gabi. Agad niyang kinuha ang cellphone ng kapatid dahil nalimutang niyang tumawag kay Phoenix. Isang ring oa lang ang nagagawa at agad naman niya itong sinagot.

"Bakit gising ka pa?!" agad na tanong sa kaniya ng dalaga sa pagtataka. Dapat nagpapahinga na siya, eh.

"Kanina ko pa hinihintay ang text o tawag mo, bakit ngayon ka lang tumawag?" tanong niya. Nag-iiba na ang boses niya at parang kanina pa inaantok.

"Sorry, nakatulog kasi ako, e. Ngayon lang ako nagising. Nakakain ka na ba?" nagaalalang tanong ng dalaga.

"Yes, love. Kakain ka pa lang?" tanong niya pabalik. Ang ganda pala ng boses nito sa telepono. Napakamatipuno, malaki ang boses at ang sexy pakinggan.

Ngumoso ang dalaga, "Oo, e. Matulog ka na, Phoenix. May trabaho ka pa bukas," tugon niya at nilapag sa mesa ang mga pagkain na dala niya.

"Ayoko pa, kailan ka ba uuwi dito?" tanong niya.

"Siguro sa susunod na araw na. May tatrabahuin pa ako, e."

Nakarinig siya ng buntong hininga mula sa kabilang linya, "I miss you. Kung puntahan kaya kita diyan? Sige na, please..." Suhestyon na.

Huminga ito ng malalim, "Sa susunod na, Nix. Kung matulog ka na kaya? Sige na, please...alam kung pagod ka sa trabaho mo," napalabi ang dalaga habang hinihiwa ang itlog na ulam nila.

"Alright, I love you. See you soon..."

"Good night," sagot ng dalaga na may ngiti sa kaniyang mga labi.

Pinatay niya kaagad ang tawag at nagsimulang kumain. Bukas kailangan niyang maghanda para sa paglabas. Baka makita siya ng mga tao. Napasandal siya sa upuan habang nag-iisip ng gagawin. Hanggang may lumabas na ideya sa utak niya.

"Puwedi na rin. Bukas na bukas, magpapakulay ako ng buhok," bulong niya at tumango.

Sana madali ang gagawin niya. Sana pagkatapos niyang gawin ang inuutos ng boss niya ay tutupad ito sa usapan. Dahil kung hindi? Wala na. Tapos na ang lahat.

****

"Ate, sigurado ka ba? Ang ganda pa naman ng buhok mo tapos pakukulayan mo lang," sabi ni Lala habang hinahalo ang pangkulay sa buhok niya. Gusto niyang mag-iba ang ichura niya para hindi makilala.

"Oo, naman. Kamusta kagabi si nanay? Pinakain niyo ba ng maayos?" tanong niya.

"Pinapatahan nga namin kagabi. Iyak nang iyak," sagot niya.

Bumuntong-hininga ang dalaga saka tumingin sa kwarto ng nanay niya.

"Tumawag ba dito sina Xander? Wala ba silang sinabi kung nasaan sila?" kuryoso niyang tanong. Magmula ng sinapit nila 'yon ay hindi na sila nagkausap na dalawa. Hindi niya alam kung okay ba sila o hindi.

"Nakatawag siya isang beses, pero wala siyang sinabi kung nasaan siya, ate. Tinanong niya lang kung nakauwi ka na gano'n," tugon ni Lala sa kaniya.

Tumango ang dalaga at agad na napaisip. Saan kaya sila nagtago? Dahil sa tingin niya siya lang naman ang hinahanap ng kapulisan.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision) - Chapter 20 - Page 3 (2024)
Top Articles
Latest Posts
Article information

Author: Wyatt Volkman LLD

Last Updated:

Views: 6317

Rating: 4.6 / 5 (66 voted)

Reviews: 81% of readers found this page helpful

Author information

Name: Wyatt Volkman LLD

Birthday: 1992-02-16

Address: Suite 851 78549 Lubowitz Well, Wardside, TX 98080-8615

Phone: +67618977178100

Job: Manufacturing Director

Hobby: Running, Mountaineering, Inline skating, Writing, Baton twirling, Computer programming, Stone skipping

Introduction: My name is Wyatt Volkman LLD, I am a handsome, rich, comfortable, lively, zealous, graceful, gifted person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.